Daily Dose of Heaven: Devotion: Filipino/Tagalog

Devotion: Filipino/Tagalog



RS#14/PAGKAKAIBIGAN

Tunay na Kaibigan


Naalala ko ang sinabi ng aking guro na ang tunay na kaibigan ay sinasabi ang totoo kahit masakit. Iyan ang isang pamantayan na talagang tunay na matatawag mong kaibigan ang isang kaibigan. Humanap ka ng kaibigan na magtatama sa iyo at di ka sinasang ayunan sa mga kamalian mong ginagawa. Kasama lang sa kasiyahan pero pagdating sa mga pangangailangan hindi mo na mahanap pa ang kaibigan. Nakakalungkot na mas nanaisin pa nating sumama sa mga kaibigan sa inuman at kalokohan kaysa sa kaibigan na magdadala sa atin sa tamang landas. Higit ang tunay na kaibigan ay inilalapit ka sa Dios. Amen.
Rainbow Angelo, Philippines
"There's a rainbow after the rain."

*********************************************************************
RS#13/PAGKAKAIBIGAN
Wagas na Pagmamahalan ng Isang Kaibigan
Tunay ngang napakahirap ang makahanap ng tunay na kaibigan. Para kang nakakuha ng mamahaling bato at ng ginto kung makatagpo ka ng isang kaibigan sa panahon ngayon. Ang pagmamahal ng isang kaibigan sa isang kaibigan ay lubhang napakahalaga. Hindi ito kayang palitan ng anumamg bagay o yaman sa mundo dahil ang kaibigan mismo ay higit na kayamanan natin sa buhay. Pagkamahalin natin ang kaibigan dahil napakahirap ang makahanap nito. Magtulungan at suportahan ang isang kaibigan para mas lumalim pa ang inyong samahan. Ganyan din si Kristo kung magmahal sa atin kayang ibigay at iaalay ang buhay Niya upang tayo ay mailigtas sa mga mga kaaway. Ang tunay na kaibigan ay tapat at nagmamahal ng tunay na walang kapalit at masamang motibo
Rainbow Angelo, Philippines
"There's a rainbow after the rain."

*********************************************************************
 RS#12/PAGKAKAIBIGAN

Ang Pagtutulungan at Pagkakaisa

Ang pagtutulungan at pagkakaisa ay malaking bagay mas mapapagaan ang iyong trabaho at mga bagay na napakahirap. Sa isang grupo, samahan o sa isang pagkakaibigan ang pagtutulungan sa lahat ng bagay ay lubhang napakahalaga. Ito ang sekreto kung bakit nagiging matatag ang samahan o magbabarkada. Kung isa ay laban sa isa hindi mabubuo ang mga baga na naisin o nagkakaroon ng inngit at bawat isa imbes na suportahan o tulungan. Ang nakakarami ay higit na makakabuti kaysa nagiisa ka. Mas magandang ang bawat isa ay may pusong tumulong, makiisa, sumoporta at makipagtulungan kaysa magkaroon sa puso ng galit, inggit at masamang balak. Alisin natin ang mga bagay na makakasira o hadlang na makatulong tayo o sumoporta sa isang kaibigan o samahan dahil ito ang tama at makakabuti sa lahat. Makiisa at tumulong lagi. Mas mapapagaan ang lahat ng bagay kung sama sama at tumutulong at higit nagkaka-isa. Walang iwanan at walang laglagan.
Rainbow Angelo, Philippines
"There's a rainbow after the rain."


*********************************************************************

RS#11/PAGKAKAIBIGAN
Huwag Mahalin ang Mundo

Ang buhay natin dito sa mundong ibabaw ay panandalian lamang. Hindi ito ang mundo.na inihanda sa atin ng ating Ama. Nakakalungkot isipin na mas minamahal natin ang mundong Kanyang nilikha kaysa sa lumikha ng mundong ito. Walang permanente, lahat ng bagay nawawala, nasisira, maging ang mga mahal natin sa buhay ay hiram lang. Mas naisin natin mahalin ang lumikha sa atin kaysa sa mga bagay na di natin madadala. Ang pagmamahal ng Dios ay dapat na suklian natin sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya at taos pusong pagmamahal sa ating Dios na lumikha sa atin.
Rainbow Angelo, Philippines
"There's a rainbow after the rain."



*********************************************************************


RS#10/KALIGTASAN


Tayo ay Manampalataya


“Ang sinumang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas, ngunit ang ayaw sumampalataya ay paparusahan.”
Marcos 16:16


Kung nais mong maligtas ikaw ay maniwala. Ang kaligtasan ay na kay Krisyo lamang at ito ay hindi kanino man Siya ang daan katotohanan at ang buhay. Walang makakarating sa langit kung hindi sa pamamagitan Niya. Maniwala tayo dahil sa Kanya lang ang kaligtasan. At ang paniniwala natin ay may kaakibat na pagsunod sa kanyang mga utos. Napakaimportante na si Hesus ang tangi mong ibang kaligtasan hindi sa mga iniidolo mong tao o mga paniniwalang di nakasulat sa Salita ng Dios. Ang Salita lamang Niya ang ating paniwalaan ay sundin upang tayo ay maligtas at di mapahamak. Ang paniniwala natin sa Kanyang mga salita ang magtuturo sa atin sa tamang landas at sa Kanya lang magmumula ang kaligtasan sa pamamagitan ng paniniwala at panampalataya at sunod noon ay ang pagsunod sa Kanyang mga utos.



Rainbow Angelo, Philippines
"There's a rainbow after the rain."


*********************************************************************



RS#9/ KALIGTASAN

Pagkakataon Para Sa Lahat
“Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako gaya ng inaakala ng ilan. Sa halip, nagbibigay siya ng pagkakataon sa lahat sapagkat hindi niya nais na may mapahamak, kundi ang lahat ay makapagsisi at tumalikod sa kasalanan.” 2 Pedro 3:9

Ang Dios ay mahaba ang pasensya sa kanyang mga anak. Ang nais Niya ay tayo ay manumbalik at magsisi sa mga kasalanan at sumunod sa Kanya upang tayo ay di mapahamak. Bagama't mahaba ang pasensya ng Dios sa atin ito ay di dahilan upang abusuhin natin  Siya. Alam Niya kung lahat ng ito ay may hangganan. Habang tayo ay binibigyan pa Niya ng pag asa at habang mahaba pa ang Kanyang pasensya sa atin. Tayo namang mga anak Niya ay sumunod at papurihan sa Kanyang mga kabutihang ginagawa sa atin. Laging humingi ng tawad sa Dios at huwag kalimutan ang mga natutunan nating sa Kanyang mga salita. Ito ang patunay na mahal natin ang Dios at ibinabalik natin sa Kanya ang kanyang wagas na pagmamahal sa atin. Napakabuti ng Dios sa kabila ng kasamaan natin Siya ay mahaba ang unawa sa ating mga kamalian.  Huwag lang natin abusuhin ang Kanyang pagmamahal sa atin.


Rainbow Angelo, Philippines
"There's a rainbow after the rain."


*********************************************************************
RS#8/KALIGTASAN

Ako Ang Puno

“Ako ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin.” Juan 15:5


     Mas nais nating sumandal aa ating kakayanan kaysa sumadal sa kalakasan ng Dios. Mas gusto nating hiwalay tayo sa Kanya at maniwala tayo sa ating kakayanan. Sinabi na ng Dyos wala kayong magagawa kung hiwalay tayo sa Dios. Akala natin pagtagumpay na tayo ay iyon na ang buhay at nakayanan natin ito sa sarili natin. Lahat ng bagay ay pansamantala lamang pero kung lahat ay nakadepend sa Dios lahat ito ay bibigyan Niya ng pagabay at kung lahat ng bagay na ginagawa natin na kasama Siya lahat ng ating ginagawa ay may magandang bunga sa natin at sa Dios. mas nakakabuting nakadepend tayo sa Dios lamang hindi sa tao. Wala tayong magagawa kung tayo’y patuloy na hihiwalay sa Kanya.



Rainbow Angelo, Philippines
"There's a rainbow after the rain."

*********************************************************************


RS#7/KALIGTASAN


Lumapit Ka Sa Akin


“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.” Mat 11:18





     Kung sa tingin mo di mo kaya ang mga dinadanas mong paghihirap sa mundo. Bakit di mo subukang lumapit sa Dios. ang Dios ay mabuti tapat at laging punong puno ng pagmamahal. Iiyak mo lang sa Dios ang  lahat ng ating mga bigat sa buhay Siya lang ang higit na makakatulong at makakaunawa sa ating mga nararamdamang pighati sa buhay. Huwag mawalan ng pag asa ang Dios ay pwedeng lapitan at saklolohan sa mga bigat. Magbibigay siya ng kapahingahan sa bawat hapdi at kirot na ating nararanasan. Huwag mong kakalimutan sa una pa lang dapat Siya ang saklolohan at lapitan.




Rainbow Angelo, Philippines
"There's a rainbow after the rain."



*********************************************************************

RS#6MORETHAN CONQUERORS



Lumapit Ka Sa Akin

“Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo'y lalong higit pang magtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin.” Roma 8:37



     Kung tayo ay laging nakakaisip ng pagkabigo at talunan sa ating buhay, itoy isang kamalian na mentalidad natin. Noong ipinako si Kristo sa Krus ay kasabay ng ipinako ang lahat ng kabiguan natin maging ang ating pagkakamali sa buhay. Panalo na po tayo dahil si Kristo ay pinagtagumpayan na Niya lahat ng ating kasawian . Kaya kung ikaw sa tingin mo ay di na magtatagumpay si Kristo pinagtagumpayan ka na noon pa. Maging mentalidad natin ay katagumpayan huwag yung isip ay talunan. Kung nabibigo man tayo o laging nasa huli, iyon ay nilalayo ka lang ng Dios sa mga bagay na di Niya plano para sayo. Di ka bigo lliniingatan ka lang ng Dios. Kaya mabuhay tayong puno ng tagumpay at magpatuloy tayo sa ating pamumuhay dahil alam natin na ang plano ng Dios ay maganda at tama sa ating buhay.



Rainbow Angelo, Philippines
"There's a rainbow after the rain."



*********************************************************************



RS#5/GOD'S PROMISE


Di Kita Iniwan

Iwasan ninyo ang pag-ibig sa salapi. Masiyahan na kayo kung ano'ng mayroon kayo, sapagkat sinabi ng Diyos, “Hinding-hindi kita iiwan, ni pababayaan man.” Hebreo 13:5


Iniisip natin sa gitna nang ating pagiisa o pangiiwan sa atin ng ating mga mahal sa buhay na dapat kakampi natin . tayo ay nagiisa na. isang kasinungalingan na gawa ng kaasay upang tayo ay madepress at malungkot. kung darating ang panahon na akala natin na tapos na at wala na tayong kakampi. Ang Dios ay nangako na di kita iiwan at pababayaan. Ang pangako ng tao ay pwedeng magbago Ngunit ang pangako ng Dios kailanman ay di nagbabago. Iyo’y sapat, tapat at totoo kung mangako sa Kanyang mga anak. Mahal tayo ng Dios at alam Niya na mag-iisa tayo at malulungkot kaya agad Niyang ibinigay ang pangakong di Niya tayo iiwan at pababayaan. kung ang mga ibon sa langit iniingatan Niya tayo pa kayang espisyal na nilikha Niya.... hanggang sa kabilang buhay makakasama natin Siya. Kaya wag ng malungkot alalahanin mo ang mga pangako ng Dios sa atin at ito’y di lang isa ngunit napakaraming pangako ang Dios sa buhay natin kaya ang salita Niya sa mga ito ang ating pang hawakan.




Rainbow Angelo, Philippines

"There's a rainbow after the rain." 


****************************************************************************

RS#4/SALVATION
Huwag Magpalinlang
Ang magnanakaw at dumarating lamang upang magnakaw, pumatay at sumira. Dumating ako upang ang mga tupa at magkaroon ng buhay at magkaroon nito ng sagana. Juan 10:10 Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Maraming inaalok ang mundo sa ating ngayon na nakakapagpalayo sa relasyon natin sa Dios. Dapat maging mapagmasid tayo. Dahil si satan ay mandaraya at sinungaling. Akala natin ay makakabuti sa una ngunit di natin alam sa huli ay kapahamakan. Ang salita ng Dios ang ating dapat panghawakan upang malaman natin kung tama ang ating ginagawa o ayon sa salita na ang Dios. Kasma dito ang ating mga ginagawa o mga taong nakakasalamuha natin. Maganda ang mga nakikita natin sa mundo, pero di lahat ito ay nakakabuti sa ating ispiritual na pamumuhay na di makaDios at laban sa panuntuyan ng ating Panginoon. Huwag tayong padaya. pag wala sa salita ng Dios wag na tayong magdalawang isip pa. Sundin natin ang kalooban ng Dios at alam dapat natin na si Satan naparito upang mangwasak manloko at dayain ang mga anak ng Dios. Ang salita pa rin Niya ang ating panghawakan ng di tayo maligaw ng landas

Rainbow Angelo, Philippines
"There's a rainbow after the rain."




****************************************************************************

RS#3/LOVE
Wagas Na Pagmamahal
30 Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang iyong buong puso, nang iyong buong kaluluwa, nang iyong buong pag-iisip, at nang iyong buong lakas.’ 31 Ang pangalawa ay ito, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.’ Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito.” Marcos 12:30-31 Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Maraming taong uhaw sa pagmamahal at naghahanap ng tamang pagmamahal. madalas na masasaktan tayo dahil sa pagmamahal na iyan ang dahil dito nagiging miserable tayo at makakagawa tayo ng di maganda sa sarili natin at maging sa kapwa. Inutos ng Diyos na magmahal tayo pero di Niya inutos na mamalimos tayo ng pagmamahal dahil ang Dios ay puno na ng pagmamahal sa para atin. May hahanapin pa ba tayo sa Kanya? Kaya tayo madalas masaktan kasi pag nagmamahal tayo kasi wala sa tamang direkyon ang tamang pagmamahal at naghahangad tayo kung di tayo masuklian ng pagmamahal. Importante marunong tayong magmahal. ang Diyos ang magsusukli ng pagmamahal na ginawa natin sa ating kapwa. Ang pinakamainam at ang magmahal ng walang kapalit. Ang puso natin ay punong puno ng pagmamahal hindi lang sa Dios kung di sa ating kapwa na walang hinihintay na kapalit. Di man masuklian ang pagmamahal na iyon. Ang Diyos sobra-sobra ang pagmamahal satin dun na lang tayo tumungis sa pagmamahal na ibinuhos sa ating ng Dios noong si Cristo ay namatay sa krus.

Rainbow Angelo, Philippines
"There's a rainbow after the rain."




****************************************************************************

RS#2/LOVE
Single But Blessed

Ang pagiisa sa buhay ay di nahuhulugang di ka na pwedeng maging masaya. Ang kasiyahan ay di nakabase sa pagiging single lamang. maraming tao nakatuon sa makamundong kasiyahan na binibigay ng mundong ito na dapat laging may kasama sa buhay. Tayo ay may kanya kanyang panawagan sa buhay. Kung ikaw o ako man ay tinawag ng Dios na maging magisa o walang asawa dahil ito ang nais Niya kaysa maging miserable ang buhay kung ikaw ay may kapartner. Tinawag tayo ng Dios na maging single sila naman ay buhay sa pagkakaroon ng asawa. Ito ay plano Niya sa atin. Napakabuti pa rin ng Dios ayaw Niya tayong mapahamak at dahil may gagawin tayong misyon sa buhay kaya ito ay nakatalaga sa atin ang maging single. Maraming pwedeng gawin sa buhay kagaya ng ang mag ministeryo at tumulong sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan. Ayaw ba natin yun mas ginagamit tayo para maibahagi ang salita Niya at may oras tayo sa gawain Niya. Masaya ako at puno ng pagpapala dahil ginagamit ako ng Dios para sa mga gawain. Sa totoo lang, di naman talaga tayo nag-iisa ang Dios ang kasama natin sa buhay. i am happy and blessed dahil ako ay pinili Niya para sa mga taong naliligaw ng landas. Ang pag-iisa ay isang pagpapala na mas kagamit-gamit ng Dios sa kanyang ubasan.

Rainbow Angelo, Philippines
"There's a rainbow after the rain."




****************************************************************************

RS#1/GOD'S SOVERIEGNITY
Ang Plano Ng Dios Pa Rin Ang Mangunguna

Marami tayong mga plano sa buhay at mga pangarap na nais nating maabot. Ngunit minsan iba ang pangarap ng Dios sa atin. Itatalaga tayo ng Dios sa isang misyon na nais Niya na ating gampanan. Kalakip ng misyon na ito ay ang paghahanda sa mga pagsubok na dadaanan. Ang mabigo, masaktan, iwan, lumuha, ang mawalan at magdusa. Sa una akalain natin na ito ay parusa maging matinding dagok sa buhay. Iisipin natin na ito ay kawalan ng presensya ng Diyos sa buhay natin o ang pagiging bingi ng Dios. Ngunit ang Dios ay tapat sa Kanyang mga pangako na kailan man ay di ka Niya pababayaan. Akalain mo yang dadaanan natin matinding pagsubok ay plano ng Dios upang ihanda ka sa isang misyon. Kailangan ka Niyang hubugin, patatagin, bigyan sapat na lakas at talino at wasakin ang pagiging makasarili at yabang. Lahat pala yun ay plano ng Dios. Minsan natanong na natin kung bakit ganito ang aking buhay at kapalaran. di natin alam na plano pala ito ng Dios sa atin. Isipin mo na ang paglilingkod ay isang karangalan ng Dios at malaking pagtitiwala Niya sayo dahil ikaw ay karapat dapat at pinili Niya na maglingkod sa Dios sa pamamagitan ng paglilingkod sa tao. wag na tayong magtaka dahil ang plano ng Dios ay mas makakabuti kaysa sa makasariling plano. di man maibigay ng Dios ang iyong pangarap pero iyon ay makakabuti sayo. Nais ng Dios na Siya ang masunod sa palatuntunan Niyang inilaan para sayo. napakabuti ng Dios dahil ang plano Niya ay mabuti at tama. kaya ikaw ay pinili para sa magandang plano niya sayo kagaya ng nakasulat sa Bibliya, “May plano ang Diyos para sa iyo.”


Rainbow Angelo, Philippines
"There's a rainbow after the rain."



****************************************************************************

BIBLE VERSION: 

Magandang Balita Biblia (MBBTAG) 

Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.

No comments:

Post a Comment

Please send your prayer request here: